Sukob (Chito S. Roño, 2006)


Sukob_aka_THE_WEDDING_CURSE_by_Chrystus
image from http://chrystus.deviantart.com/art/Sukob-aka-THE-WEDDING-CURSE-54665468

Sukob (2006) ang ikalawang blockbuster horror movie ni Chito S. Roño, kasunod ng Feng Shui (2004), tungkol sa dalawang magkapatid na hindi alam na sukob pala ang kanilang mga kasal. Isa-isa misteryosong namatay ang kanilang mga mahal sa buhay; kaibigan, magulang, pati na ang mga bana. Sa huli, na diskubre din nila ang isang madilim na sikreto kung bakit nangyayari ang lahat ng ito. Sabi ni Slavoj Zizek, kung gusto mong malaman ang totoong kwento ng isang horror movie, tanggalin mo lang ang mga elemento ng kababalaghan sa plot. Ano yung kwento ng Sukob? Basically ang pag-collapse ng institution of marriage sa lipunang Filipino. Si Sandy (Kris Aquino), OFW na lihim na magka-live in na pala sa nobyo, pormalidad nalang ang kasal. Si Diana (Claudine Barretto) naman, buntis na noong ikinasal. Ito ang horror na ina-articulate ng pelikula; nagbabagong kaayusan sa lipunan partikular sa relasyon sa mga babae at lalaki. Kaya siguro sa umpisa at katapusan ng pelikula pinapakita ang ilang malalaking bahay na bato, mga simbolo ng pamilya at feudalismo, pero ang mga ito ay nasisira na. Ang pinakanatamaan ng horror ay siempre ang patriarch, si Fred (Rolando Valdez), kasi na ‘castrate’ na siya. Ang Sukob ay isang mahalagang pelikula sa ating panahon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s