Bayan Ko: Kapit sa Patalim (Lino Brocka, 1984)


Kapit Sa Patalim (Bayan Ko) (1985)

Minsan sinabi ni Brilliante Mendoza na hindi daw sya ang bagong Lino Brocka. May katotohanan iyon. Sabi nya slice of life lang ang gusto nyang ipakita, gusto nya lang mag kwento. At wala naman sigurong magsasabi na hindi sya magaling sa paggawa nito. Gusto kong talakayin muna, kahit mabilis lang, ang obra ni Mendoza dahil pagkatapos kong mapanood ang Bayan Ko: Kapit sa Patalim (1984), marami ako nakitang elemento na hiniram at di hiniram ng Kinatay (2009). Ang Bayan Ko ay parang Sister Stella L. na naging masalimuot ang wakas. Kahirapan, gipit sa buhay, mga taong natutulak sa sukdulan para lang makaraos. Kung ang Kinatay ay slice of life (pun unintended) ang Bayan Ko naman ay life mismo. Matyagang pinapakita ang maraming prosesong sosyal na nag-udyok kay Turing (Philip Salvador) na i-hostage ang mga dating amo. Alam ni Brocka ang kanyang mga manonood, at walang panahon para magpagka-auteur. Sabi nga nya noon, ang paghubog sa ‘bakya crowd’ ay hindi mangyayari overnight. Makabuluhan pa ba ang Bayan Ko sa kasalukuyan? Oo. Wala na masyadong nababalitaang mga labor unrest, kasi halos wala na ngang mga labor union. Sa SM halimbawa. Sa usapin naman ng health care; pina-privatize pa lalo ang mga public hospital na, ang mga nurse at doktor naglalabasan pa ng bansa. Ang mga bagong anyo ng kahirapan na ito sana ang magsilbing hamon sa mga bagong filmmakers. Sabik akong makapanood ng isang batang film maker na itutuloy ang nasimulan ni Brocka, yung talagang handang kumapit sa patalim sa ngalan ng sining.

direk lino

direk lino

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s