Munting sinag na pilak mula sa bintana


(Pasintabi kay Jose Garcia Villa)

Munting sinag na pilak mula sa bintana
Sa maiinit na magdamag na iyon
Labing pitong beses akong umahon
Labing pitong beses syang tumaas
Habang nililikha ang aming anak

Labing pitong halik binigay nya sa akin
Labing pitong halik pinamalas ko sa kanya
Sa maiinit na magdamag na iyon
Labing pitong beses akong umahon
Labing pitong beses syang tumaas
Habang nililikha ang aming anak

Labing pitong beses ko syang inawit
Labing pitong beses nya akong kinanta
Sa maiinit na magdamag na iyon
Labing pitong beses akong umahon
Labing pitong beses syang tumaas
Habang nililikha ang aming anak

Ikalabimpitong pagtaas ng pagkilala
Ikalabimpitong pagbaba ng pag-ibig
Sa aming binabagyong kama, para buhawi
Ipinunla ang aming anak, anak ng bayan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s