Ang Paglilitis


Heto na naman ang
pagdinig sa senado
na kasing dalas na
yata ng special coverage
ng boksing, basketball
o beauty contest;
makulay ang komedya
ng suspect at mga
whistleblower na naka-bulletproof vest
at ang pabulong-bulong na mga
abugado,
at ang mga hindi magpapahuling
senador.
Naging rehilyoso pa ang tono
pagdating sa usapin ng foundation
at pagtulong sa mahihirap
at donasyon sa simbahan,
naging retreat yata ang paglilitis.
Payo ng isang senadora,
idawit na ang idawit
para
masira na ang dapat masira,
sa mahaba, nakakaantok at nakakasiphayo
na palabas baka
makalimutan ng mga nag-aalburotong
madla na ang
‘hindi naman lahat masama’
ay iba sa
‘wala tayong magagawa’.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s