Isang Araw Pumunta si Juan sa Mall


Isang araw pumunta si Juan sa mall
bago pa ito nakabukas,
mga alas nuebe imedya.
Maraming tao na ang nakapila
para asikasuhin ang mga papeles
sa iba’t ibang opisina, ang ilan
talagang mamamasyal na.
Ayon sa namamahala,
ang mga ahensya at kawani
sa loob ng gusali ay
di umano kanilang munting
serbisyo publiko.

Pagkatapos kapkapan ng guardya
dumiretso si Juan sa ikatlong palapag,
kumuha ng numero at naghintay
na tawagin ang pangalan mula sa
mga bintana sa espasyo ng DFA.
Mayroong monitor nakakabit sa pader
na nagpapatugtog ng kantang pangturismo
katabi ng babala: mag-ingat sa mga fixer.

Pumunta si Juan sa kahero para bayaran
ang ipapagawang passport, ang lalaki
ay may dalawang ID nakakwintas;
isa patunay na sya’y kawani ng pamahalaan
ang ikalawa, sya sa mall ay taga-renta.

Pagkatapos ng tatlong oras
nailagay din sa computer
ang litrato at pirma ni Juan,
balikan na lang pagkalipas ng
apat na linggo.
Pagkalabas nya, oras na para mananghalian,
walang katapusan
ang kanyang mapagpipilian.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s