Pasko sa Pinas


Mga bituing de kuryente,
punong plastik na walang ugat,
hindi natutunaw na nyebe.

Mga debotong pakikipaglaban
sa antok tuwing madaling araw
ang panata,
habang ang pila sa mall at
kalsada ay humahaba
at parang may konsyerto sa
paliparan at pantalan
sa dami ng tao,
sa mga hindi na buenas;
tawag at internet ang lunas
sa pangungulila,
masaya ang lahat, ang
ekonomiya ay sumisipa;

mga bituing de kuryente,
punong plastik na walang ugat,
hindi natutunaw na nyebe.

Pagkatapos ng putukan
at handaan babalik ang
lahat sa opisina man o eskwelahan
puno ng lumbay ang
namimilog ang mukha.
ang musika, kulay, at kalasingan
ng mahabang paghintay sa
tagapagligtas
kumpara
sa usok, ingay, at luha ng
mas mahabang pagdanas
ng krisis ay
nagmumukhang
himala;

mga bituing de kuryente,
punong plastik na walang ugat,
hindi natutunaw na nyebe.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s