Kung saan tila naglalabasan
mga damdamin at hinaing sa hangin,
saka din ako magkukulong.
Ito’y kamangha-mangha pero walang
malalim na pinaghuhutugan,
ayokong mapagod at malito
sa mga mahahabang pila, matataong
kainan, at nagmamahalang simbolo
ng pag-ibig (di umano).
Mas gusto kong makaharap
ang isang pinaglumaang libro
o pagtawanan ang paboritong
palabas sa telebisyon. At sa
aking pagkahedonista, kailangan ko
rin mahiwalay sa iyo.
Pero huwag kang mag-alala, nag-iwan ako
ng mga kapirasong tula;
para kahit ang wakas ng iyong araw
ng mga puso ay maging tahimik din,
mga letra lamang sa papel ang kasama,
habang umiikot sa iyong isapan ang mga
tanong tulad ng “Ano ibig sabihin nito?”
at malalaman mo lamang ang sagot
sa pagkikita natin sa iyong mga panaginip.