Lahat ng pangulo ng Pilipinas pagkatapos ni Cory Aquino, ginustong baguhin ang Konstitusyong 1987. Bagamat pag-alis sa limitasyon ng termino ng mga nakaupong pulitiko, lalo na ng pangulo, ang tumampok sa midya at maging sa mga protesta, lagi ring kasama ang pag-alis sa mga limitasyon sa 100 porsyentong dayuhang pag-aari sa bansa.
Hindi progresibo ang Saligang Batas. Binuo rin ito ng mga naghaharing uring komprador at haciendero na sunud-sunuran sa mga dikta ng US. Pero nalikha ito pagkatapos ang pagpapatalsik sa diktadurang US-Marcos, kung saan malaki ang papel ng Kaliwa. Napwersa ang mga gumawa ng Konstitusyon na maglagay ng ilang makabayang probisyon sa ekonomiya.
Pero panandang-bato rin ang termino ni Cory sa pagratsada sa mga patakarang neoliberal sa bansa. Ang sabi nga ni Prop. Jose Maria Sison, ginawa ng Konstitusyong 1987 na isang transaksyon ng “malayang pamilihan” ang reporma sa lupa: boluntaryong ibebenta ng haciendero ang lupa o mag-aalok…
View original post 354 more words