Pervert’s Guide to Ideology (Sophie Fiennes, 2012)


Sa wakas napanood ko na rin ang sequel ng Pervert’s Guide to Cinema, pinagbibidahan siempre ni Slavoj Zizek. Muli, hinimay-himay ni Zizek ang mga piling pelikula para ipaliwanag ang konsepto at ang mga mekanismo ng ideology. Ito yung strongest point ng docu, ang focus sa ideology. Ang nauna, masyadong sabog at eclectic, kung ano-ano lang pinagsasabi ni Zizek. Isa pang dahilan siguro kung bakit mas nagustohan ko tong sequel dahil mas ‘sober’ na ako. Noong pinanood ko ang Guide to Cinema, manghang-mangha pa ako kay Zizek, pagkalipas ng mas maiging pag-aaral at diskusyon, saka lang lumitaw ang mga kahinaan ng gawa nya.

Ngayon, mas may effort si Zizek na ibaba mula sa ivory tower (Lacan-Hegel) ang mga teorya nya, maliban kasi sa mga pelikula, dinugtong din nya ang mga usapan sa mga recent na kaganapan tulad ng London riots at Occupy movement. Pero para sa akin, kulang pa rin. Ang conclusion ni Zizek, “we should not only change our dreams, but also how we dream”. Ayos naman sana, pero ang tanong, kapag iba na tayo managinip, ano na? Paano natin isasalin sa gawa? Ito ang mga umiikot sa aking isipan lalo na sa konteksto ng Pilipinas kung saan hindi pa tapos ang himagsikan. At hindi lang sa bansa ang sitwasyong ito. Ano kaya ang masasabi ni Zizek tungkol dito?

Gawin na sana ni Fiennes na trilogy ang docu nila ni Zizek. Guide to Cinema, tapos to Ideology, tapos Pervert’s Guide to Revolution. Ambisyoso ba masyado? Sabi ni Zizek, demand the impossible eh. Sana ang focus non-Hollywood, non-European cinema naman. Paano kaya babasahin ni Zizek si Lino Brocka? O Mike de Leon? O Lav Diaz? O Raymond Red?

Pagdumating ang araw na iyon, sabik pa rin akong makikinig sa mga sasabihin ni Zizek.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s