Hingil sa The Wicker Man (Robin Hardy, 1973)


TheWickerMan_UKrelease_Poster

• Isang pulis/detective ang pumunta sa liblib na isla ng Summerisle para hanapin ang isang batang babae na nawawala diumano. Mabilis syang napikon at nagalit hindi lang dahil tila hindi tagadoon ang bata kundi pati na rin sa mga “barbarikong” ritwal ng mga tao doon na nagdidiwang ng parang fiesta nila para sa tag-araw. Hindi ito madali sa bidang isang debotong Katoliko.

• Ang isla ay pinaunlad ng Lolo ng isang Lord Summerisle (Christopher Lee), para maging plantasyon ng prutas. Bilang isang scientist/agriculturist, naisip nyang mas mainam kung pati ang lumang rehiyon ng lugar ang buhayin dahil sumasangayon ito sa pangangailangan ng isla. Naging kilalang exporter ng mansanas at iba pang prutas ang isla at nanatili ang mga paganong ritwal sa maraming taon.

• Sa huli, imbes maging tagapagligtas ang pulis, lalo lang syang nahuli sa patibong ng mga tao. Nagkaroon ng crop failure nakaraang taon. Ang solusyon dito ay mag-alay ng tao sa mga diyos ng kalikasan. Engrandeng ritwal. Ang Wicker Man.

• Sa surface, ang overt na mensahe ng pelikula ay malademonyo ang mga tao sa labas ng sentro. Pero kung iisipin, ang buong kwento ay isang meditasyon sa ginagapanan ng relihiyon o ideolohiya sa buhay ng isang kumunidad. Hindi na ‘sino ang makasalanan’ ang tanong kundi, ‘ayon kanino?’

• Hanggang sa huli, hindi pumalag ang pulis. Mali tong ginagawa nyo! Walang may nakinig. Sabi sa kanya ni Lord Summerisle, mabuti nga yang malakas ang iyong pananampalataya. Sa ganitong paraan, mamamatay kang martyr! Agad naman pinalikoliko ng pulis ang kanyang pagdadahilan. Ganyan ang ideology. Sinusunod lang hanggat napagsisilbihan ang interest.

• Si Lord Summerisle ang epitome ng naghaharing uri. Alam nyang mali ang pagpatay sa pulis pero wala syang pakialam. Ang importante, mapaniwala ang mga tao na bubuti ang ani sa susunod na taon. Bagkus, manatili sya sa kanyang posisyon ng kapangyarihan at pribilehiyo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s