Ang Baguio ay hindi nangungulila


Ang Baguio ay
hindi nangungulila
sa isang nakaraan
na payapa.
Ito ay inaanod ng mga taong
sabik sa akyat-baba nitong
mga kalsada,
tulad sa San Francisco,
masuot din sa wakas ang
pinadalang jacket, scarf, at boots
ng kamag-anak sa ibayong
dagat, kinakayod ang
pighati
at panganib.

Walang
Igorot na tumatahak
sa Session Road, kasuotan
nalang nila ang natira:
picture taking,
unlimited shots.

Wag nang mabitin, pabalik
sa Maynila, nilagdaan na
ang imbitasyon para sa
bisitang hukbo na hindi
naman lumisan.

Ang Baguio ay
hindi nangungulila,
ito ay
tinitignan ang kasalukuyan,
mata sa mata.

IMG_3115

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s