Hingil sa Signos (Aloy Adlawan, 2007)


Signos_poster_by_klutosis

• Daddy issues, tungalian ng sentro at laylayan, sa madaling salita, “barrio horror”

• Barrio horror – isang horror trope kung saan ang/mga bida ay madalas mga taga-labas o dayo sa isang liblib na bayan na walang kuryente o maayos na kalye pero sagana sa kababalaghan at katatakutan.

• Isa’t kalahating oras ka munang tatakutin ng pelikulang ito gamit ang putik, dugo, mga bangungot, at sunod-sunod na kamatayan, bago ipaliwanag ang lahat.

• Pag-abot mo sa ending saka lang nito ilalahad na ito ay isang meditasyon at kritika sa horror genre maliban sa pagiging parte nito.

• Simple lang naman ang premise, may landslide, natabunan ang buong barrio.

• Hindi ito based o inspired on actual events ha. Ito ay base sa mga kwento ng mga nakaligtas sa isang aktwal na landslide. Naging ecological horror na.

• At ang kinalabasan ng kwento ay kung ano talaga ang naratibo ng trahedya mula sa perspektibo ng isang biktima/nagkaligtas: magulo, ilohikal, puno ng pangitain, mga signos, ika nga, na hindi pinansin.

• Dahil na rin siguro sa trauma, naging nostalgic nalang si Luis,ang bidang taga-labas na nakaligtas, sa kinalakihan bayan.

• Taon-taon, libo-libo ang namamatay sa bansa dahil sa samu’t saring trahedya. Ito ay signos na ang talaga namang biktima ng mga kalamidad, gawa man ng tao o kalikasan, ay ang abang uri!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s