Hingil sa Pa-siyam (Erik Matti, 2004)


500full

• Pa-siyam. Ang dasal na ginagawa siyam na araw pagkatapos ng burol. O pagkamatay. Ewan. Hindi ako sigurado.

• Kwento ng magkakapatid na bumalik sa kinalakihang bahay para ilibing ang kanilang nanay.

• Isa na namang halimbawa ng Pinoy horror trope ng homecoming.

• Kababalaghan sa loob ng bahay. Pagmumulto na involving ang ihi, suka, at dumi. Mapapangiwi ka talaga.

• Sabi ng mga caretaker, payapang namatay ang kanilang nanay pero ang mga pagpaparamdam says otherwise.

• Ang imahe ng bata bilang ugat ng horror ay huli na dumating sa horror cinema. Sinimulan ng mga pelikula tulad ng The Omen, The Exorcist, Village of the Damned, sunod-sunod na.

• Ayon sa ilang kritiko ang pag-usbong ng figura ng bata bilang aswang (monster) ay sumabay sa malawakang youth counterculture noong 1960s. Ang dating simbolo ng innocence ay ngayon simbolo na ng kakatakutan.

• Interestingly, hindi pa gaanong makikita ang trope na ito sa Pinoy horror. Madalas sila lang ang nakakakita ng multo o kung ano mang ugat ng horror. Dyan na ang T2 (2009) at pati na rin ang Pagpag (2013). Variation lang ng symbolic innocence yan.

• Dito interesante ang kaso ng Pa-siyam, ang ugat ng kakatakutan ay hindi isang bata kundi isang magulang. Ang nanay.

• Maraming posisyon na agad ang inuokupa ng Pa-siyam; kung paano pagkatapos palakihin ng nanay, saka naman inabandona ng mga anak, iniwan sa mga katulong na wala ring malasakit sa matanda. Pwedeng peminista o usapin ng elderly, at siempre, pwedeng pareho.

• Higit sa lahat, sa aking palagay, ang buong kwento ay ang naratibo ng hindi matagumpay na tangkang pagbalikwas sa feudal na kaayusan, lalo na ang sentral na posisyon na institusyon na pamilya.

• Kahit wala silang direktang ginawa, hindi nila matatakasan ang kanilang nanay, o mas partikular ang ugnayan sa pagitan ng isang nanay at mga anak.

• Mapa-feudal man o “makabago” (modern), abang uri pa rin ang babae at/o ang matanda.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s