Ang Kalaban ng Bayan sa 2016


Kapirasong Kritika

Otto Dix1

Noong eleksyong 2010, sinikap ng Kaliwa, sa abot ng makakaya nito, na ang kampanya sa eleksyon ay maging tungkol sa pagpapatalsik sa kinasusuklamang pangulong si Gloria Macapagal-Arroyo. Ibig sabihin, pagkondena sa kanyang matitinding krimen sa sambayanan at mga patakarang kontra-maralita, at paghadlang sa pagtatangka niyang magpatuloy sa kapangyarihan sa pamamagitan man ng Charter Change o pagluklok sa inendorso niyang si Gilbert Teodoro.

Mahalaga ang pariralang “sa abot ng makakaya” sa itaas, dahil hawak naman talaga ang eleksyon ng malalaking kapitalista at haciendero na sunud-sunuran sa US, at sekundaryang larangan lang ito ng pakikibaka para sa Kaliwa. Alam natin ang aktwal na nangyari: biglang namatay si dating Pang. Cory Aquino at ang pagluluksa sa pagkamatay niya ay naging pagsasakdal-protesta laban kay Arroyo. Sa ganitong kalagayan nagdeklarang tatakbo sa pagkapangulo ang anak niyang si Noynoy. Nagkaisa ang pinakamalalaking kapitalista at haciendero sa pagsuporta sa kanya at, gamit ang kanilang midya, inilarawan siya…

View original post 1,868 more words